Kirim: antolohiya ng panitikang Maranao /

Kirim: antolohiya ng panitikang Maranao / Allan Popa, editor Angelito G. Flores, Clarita C. Lomoday.--[and five others], mga tagasalin. - 121 pages 23 cm.

Ang Panitikang Maranao ay maihahalintulad sa bundok na anyong natutulog na babae sa gilid ng Lawa ng Lanao na animo'y naghihintay na gisingin upang matuklasan ang kanyang nakakubling ganda at dalisay. Naglalayon ang antolohiyang ito na maipakita ang lalim at lawak ng panitikang Maranao na umiinog sa buhay, kultura, at paniniwala ng mga Maranao. Binubuo ito ng mga kwentong bayan, bugtong (antoka), at salawikain (pananaro-on). Ilan sa mga ito ay orihinal at hindi pa nalalathala. Ang antolohiyang ito ay ambag sa nagpapatuloy na pagtuklas at pagpapalaganap nang mga natatanging KIRIM ng mga Maranao. Ang Programang PandaySalin ay proyekto ng Pambansang Komite sa Wika at Salin ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at Sining. Nilalayon nang proyektong ito na maisalin sa wikang Filipino ang mga pinakamahusay at makabuluhang akdang pampanitikan mula sa iba't-ibang rehiyunal na wika sa Pilipinas at wikang dayuhan. Pinagbukod ng Programang PandaySalin ang mga batikang tagasalin sa loob at labas ng akademya upang taunang makapaglunsad ng proyekto sa pagsasaling-wika. Binibigyang pansin din ng Programang PandaySalin ang pagsasanay sa mga tagasalin upang higit na mapaunlad ang kanilang kakayahan. 14 na akda taun-taon ang ililimbag ng PandaySalin upang maipalaganap sa mamamayang Pilipino ang mayamang kaban ng panitikan ng daigdig at Pilipinas. --Back cover of the book.


Epic literature, Maranao.

PL 5914 / .K634 2004