Ang guru : komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino

Maranan, Mario H.

Ang guru : komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino Mario H. Maranan, Neriza Constanino-Pesigan, Clarisa Santiago-Dungo. - viii, 298 pages 26 cm.

Includes bibliography.

sa halip, ay maisasabuhay nila ang mga butil ng karunungan, saanmang dako ng tagumpay sila makarating. Maligayang pagbabasa at pagkatuto sa ating lahat! --Mula sa Paunang Salita Ang aklat na ito ay nilikha ng mga manunulat bilang pagtugon sa hamon ng programa ng K to 12 na maihanda ang mga mag-aaral sa Senior High School na maging bihasa sa paggamit ng wikang Filipino sa iba't-ibang situwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang Pilipino. Pinamagatang GURU, na nangangahulugang guro, layunin ng aklat na ito na maituro sa mga mag-aaral ang lahat ng mga kaalaman at kasanayan na dapat nilang matutunan upang maging ganap ang kanilang pagkatao sa wikang Filipino. Gayundin ang aklat na ito ang maghahanda sa mga mag-aaral upang maging mahusay sa larangan ng pananaliksik hindi lamang sa kurso na kanilang kinukuha kundi maging sa iba't-ibang pangyayari sa kapaligiran na magpapaangat ng kanilang kamalayang panlipunan. Dinisenyo ang aklat na ito na integrative approach - bawat konsepto na matututunan ay may mga gawaing itinakda upang masubok ang kakayanan ng mga mag-aaral na magamit ang kaalaman sa aktuwal na kapakinabangan. May iba't-ibang klase ng babasahin din na sadyang inilagay ng mga manunulat upang lalong mahasa ang kanilang kasanayan sa pag-unawa at pag-uugnay ng mga nabasang kaisipan sa aktuwal na aralin. May mga pagsasanay rin at pagsusulit sa pagtatapos ng bawat talakayan upang lalong mapaigting ang pagkatuto sa bawat mag-aaral. Higit na magiging makabuluhan ang aklat na ito sa tulong ng mga guro sa Filipino. Ang kanilang pamamatnubay sa proseso ng pagkatuto ang magpapaigting sa kawilihan ng mga mag-aaral na lalong mahalin at pahalagahan ang wikang Filipino. Sa pagtatapos ng pagkuha ng asignaturang ito ay may katiyakan na hindi natatapos sa apat na sulok ng silid-aralan ang pagkatuto


Filipino language
Filipino language

PL 6054 / .M325 2016