Lohika sa kaisipang Pilipino.

Andres, Tomas D.

Lohika sa kaisipang Pilipino. - xiv, 117 pages : 22 cm.

Includes index.

Ang aklat na ito ay matagal nang dapat na naisulat. Nag-aaral pa ako ng pilosopiya sa India at sa Europa, nang ninais kong ipahayag ang mga simulain ng lohika sa wikang Pilipino. Ginawa ko ito noong ako'y magbalik sa Pilipinas at magturo ng pilosopiya sa iba't-ibang pamantasan at kolehiyo. Kaya nga masasabi ko na ang aklat na ito ay bunga ng maraming taong pag-aaral at ng iba't ibang kaalaman at kaisipang natamo sa maraming bansa. Mapag-isip at mapangatuwiran ang mga taong gumagalaw sa daigdig ng lohika. Nakagagawa at nakabubuo sila ng isang matalas, maliwanag at tamang kaisipan at marunong maglipat ng karunungan sa ibang kaisipan. Mapag-usisa ang mga mapangatuwirang tao. Lagi silang nagtatanong ng "bakit" tungkol sa maraming bagay sa daigdig. Ang walang humpay na paghahanap ng sagot o katuwiran para sa lahat ng mga gawain ang siyang nag-udyok sa mga pilosopo nag magtatag ng agham ng lohika. Isinulat ko ang aklat na ito sa pagnanais na ang lahat ng mag-aaral na Pilipino ay maging mapangatuwiran sa lahat ng kanilang pagpapasiya at gawain. Maaari itong gamiting aklat-pampaaralan sa pamantasan upang ang lahat ng makakatapos sa kolehiyo ay maging makatao at mabisa sa kanilang mga gawain at sa pagtatamo nila ng kanilang mithiin sa buhay. --Paunang Salita ng Libro


Logic.

BC 50 / .An25 1981