Mutyang dilim : ang bagong pormalismong Filipino sa pagbasa ng tula. /

Almario, Virgilio S.

Mutyang dilim : ang bagong pormalismong Filipino sa pagbasa ng tula. / Virgilio S. Almario. - Marikina City : Talingdao House, c2001. - 146 pages 23 cm.

Para sa Sinumang Nag-aaral ng Panitikan! May isang malaking mansaha ang librong ito ni Virgilio S. Almario: Makitid kung di man baluktot ang naging pagbasa sa panitikan ng Filipinas. Bakit? Una, dail kulang ang ating mga guro at kritiko ng wasto at matalik na pagkaunawa sa kasaysayan, tradisyon, at mga katutubong sangkap ng panitikang Filipino. Ikalawa, dahilnaiiralan at nauulapan ang ating oagbasa ng mga pamantayan at pamamaraang banyaga. Ang sagisag na malunasan ang naturang suliranin ang tinatawag ni Almario na Bagong Pormalismong Filipino, at halimbawa ang mga pagbasa sa librong ito kung paano isagawa ang nasabing panukalang pagsusuring pampanitikan. Nakatangahal sa bawat pagsusuri sa aklat na ito ang pambihirang kapangyarihan ni Almario bilang isang malikhain at sistematikong kritiko. Sinimulan niya ang proyektong it sa pamamagitan ng bagong pagsipat sa kasaysayan ng panitikang pangkasalukuyan sa Balagtasismo Versus Modernismo (1984). Ngunit higit niya itong napagtining sa kaniyang mga imbestigasyon ng panitikan sa panahon ng koloyalismo sa Kung Sino ang Kumatha kina Bagongbanta, Ossorio... Atbp. (1992). Maituturing samakatuwid ang librong ito bilang pagpapatuloy ng kaniyang mga imbestigasyon at nakatuon ngayon sa mga partikular na tula nitong ika-20 siglo.

9719211911


Philippine poetry (Filipino)

PL 6163.1 / .Al62w 2001