Linggo ng Wika '88 : ang wikang pambansa'y kasangkapan ng tunay na kalayaan.

Linggo ng Wika '88 : ang wikang pambansa'y kasangkapan ng tunay na kalayaan. - [Manila] Surian ng Wikang Pambansa, [1988]. - 46 pages ; 22 cm.

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Konggreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila. Dapat magtatag ang Konggreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't-ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili. (Back cover of the book)

9711018195


Linggo ng Wika
Pilipino language.

PL 6051 / .L646 1988