Mga Tradisyong toponimik ng Imus, Lalawigan ng Cavite: ang mga konsepto sa pagpapangalan ng lugar/ Jose Asiado Arrogante.

Arrogante, Jose Asiado

Mga Tradisyong toponimik ng Imus, Lalawigan ng Cavite: ang mga konsepto sa pagpapangalan ng lugar/ Jose Asiado Arrogante. - Dasmariñas, Cavite: UFRO, 2009 - 644 pages: illustration 27 cm.

ang semantika o kahulugan at pragmatika o gamit nito. Mapagtataya sa kongklusyon ang mga konseptong Pilipino ng pagpapangalan ng mga lugar na ito. Nakafocus ang pag-aaral na ito sa mga pangalan ng mga lugar sa Munisipalidad ng Imus, Lalawigan ng Cavite. Ipinakikita ang Kristomati o listahan ng labinsiyam na toponims o pangalan ng mga lugar sa Munisipalidad ng Imus. Para maiwasan ang paulit-ulit na pagbanggit ng isang pangalan ng lugar na nahati-hati sa mga purok at barangay, yaong pinakaina ng pangalan na lamang ang binigyang-konsiderasyon.. Ang gagawing pagsusuri ay ibinatay sa mga teorya sa paglikha ng pangalan/salita ng mga dalubwika na sumubok nang magsaproseso nito kaya nakapagtagubilin na ng mga sanligan. Ito'y sina Manuel (1994), Boaz (1934), Frank at Anshen (1983), Zorc (1993), Santos (1950), at Santiago at Tiangco (1985). Base sa pinayamang pamantayan ng pagsusuri rito, sa disenyong palarawan o deskriptiv ang pagsusuring gagawin sa mga likhang pangalan ng lugar. Matapos galugarin ang sosyo-historiko-kultural na kaligiran ng pangalan/salita, ang mga kapunahang may mga morfofonemiko o pagbabagong naganap dito, papasok ngayon ang panglinggwistikong pagsusuri, ang paghihimay sa formasyon ng pangngalan/salita sa gawang kaanyuan nito't kayarian mula sa morfofonemikong pagkakabuo: ang pinag-ugatang salita, ang mga panlaping idinagdag kung saan bahagi ng salita


Cities and towns--History.
Imus, Cavite--History.