Ang ambahan ni Ambo /

Maranan, Edgardo B., -1946

Ang ambahan ni Ambo / ni Ed Maranan ; iginuhit nina Marlon Perez, Victor Joaquin. - Quezon City : C & E Pub., 2009 - iii, 22 p. : col. ill. 25 cm.

Winner, Carlos Palanca Memorial Awards for Literature 1991.--Cover.

ED MARANAN-Premyadong manunulat ng kuwento, tula, dula, at sanaysay, may higit sandosena nang aklat na pambata, tatlong aklat ng tula, sari-saring akdang lumabas sa maraming antolohiya, at mga dulang naitanghal sa UP at CCP. Nagsusulat siya sa Filipino at Ingles, at nakapagsalin na ng mga nobela, dula, komedya at tula. May 33 siyang gantimpala mula sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, at kabilang sa Palanca Hall of Fame mula noong 2000. Napanalunan niya ang PBBY-Salanga Writer's Prize noong 1989, 1990 at 1991. Noong 2008, tumanggap siya ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas mula sa Unyon ng mga Manunulat ng Pilipinas, NCCA Writer's Prize, NBDB-Manila Critics Circle National Book Awards, at nitong 2009 naman, ng Gawad Francisco Balagtas mula sa Komisyon sa Wikang Filipino. Dati siyang guro ng Agham Pampulitika at Araling Pilipino sa Unibersidad ng Pilipinas, at naging Foreign Information Officer ng embahada ng Pilipinas sa Inglatera. Kasapi siya ng iba't ibang samahan ng manunulat-PAKSA at GAT noong mga dekadang 1970 at 1980, at ngayon ay UMPIL at Baguio Writers Group. Bunga ng dalisay na imahinasyon ng isang premyadong manunulat ang kuwentong ito na pangkabataan. Ang Wikang Filipino sa kamay ni Ed Maranan ay payak ngunit makulay, angkop na angkop sa kabataang mambabasa pero kasiya-siya pa rin sa mga maygulang nang mambabasa. Ang dahilan ay maingat na hinubog ang wika ng manunulat na nakasusong mahigpit sa tradisyon ng pampanitikang pagsusulat. Sa hanay ng mga lumilikha ng panitikang pangkabataan, matibay na huwaran si Maranan na dapat pagsumundan bilang guro ng mga naghahangad makapag-ambag sa panitikang pangkabataan. -DR BIENVENIDO LUMBERA Pambansang Alagad ng Sining sa Pnitikan. Ang mga kuwentong pangkabataan ng batikang manunulat na si Ed Maranan ay karaniwang tumatalakay sa iba't ibang paksa at usaping panlipunan na dapat lamang maipakilala sa kabataang Pilipino sa kasalukuyan. Kabilang dito ang mga panganib na nakaumang sa ating kalikasan, ang mga karapatan ng katutubong Pilipino sa kanilang lupaing ninuno, ang mga paghamong kinakaharap ng kabataan sa ating masalimuot na panahon, ang patuloy na pakikibaka sa sambayanan tungo sa isang makatarungang lipunan, at ang mga pangarap ng kabataang nabubuhay sa mga nayon at lunsod ng ating nagbabagong bansa. Isang mahalagang ambag di lamang sa panitikang pangkabataan kundi maging sa pambansang panitikan ang mga kuwento ni Ed Maranan. -ROGELIO G. MANGAHAS.

9789715849081


Children's stories, Filipino.

PL 6165.4.M359 / .Am16 2009