Ang mga hangin ng Abril = the winds of April /

Gonzales, NVM

Ang mga hangin ng Abril = the winds of April / N.V.M. Gonzalez salin ni Edgardo B. Maranan. - xi, 247 pages 22 cm.

Signos ng masamang kapalaran ang hatid ng pambungad ng nobela--"Akala ng lahat ay wala na siyang buhay: ni hindi siya gumalaw o umuha bilang tanda ng kaniyang pagsilang." Nangangako ng bagumbuhay ang pagsilang. Subalit, sa buhay, ang mabangis na hangin ay naghahatid ng kawalang katiyakan sa mga tauhan ng nobela, pangunahin sa kabataang tagapagsalaysay. Inilalahad ang nobelang Ang mga Hangin ng Abril (The Winds of April) ni N.V.M. Gonzales mula sa punto de bista ng isang kabataang lalaki. Kabataang sumuso sa karalitaan ng kaniyang bayang Mindoro at Romblon; sa pag-asang iniaalok ng siyudad. Kung saan-saan siya ipinadpad--saanmang lugar, na doon, matutupad ang ipinangako sa kaniyang Mamay at Papa Tomas, na balang araw, magiging matagumpay siya sa buhay. Naging matagumpay ang kabataan, ngunit hindi ang kaniyang ama. "Sabihin mo muna sa akin, saan ako dapat magsimulang maghanap?" ang tanong sa kaniya ng ama sa katapusan ng kuwento. Itinampok ng nobel ang unibersal na katotohanang walang magagawa ang tao sa harap ng kalikasan. Ngunit sa ilang hindi inaasahang pagkakataon, ang mismong kalikasan ang naghahatid sa tao sa ibig nitong destinasyon. --Back cover of the book.

9786218064201


Short stories, Philippine (Filipino).

PL 6058.9 / .G589 2017