Kalusugang pampubliko sa kolonyal na Maynila, 1898-1918 : heograpiya, medisina, kasaysayan /

Mactal, Ronaldo B.

Kalusugang pampubliko sa kolonyal na Maynila, 1898-1918 : heograpiya, medisina, kasaysayan / Ronaldo B. Mactal. - ix, 183 pages : illustrations 23 cm.

Masasabing ang librong ito ang isa sa kauna-unahang pagtatangka ng isang Pilipinong historyador na tumuhog sa tatlong disiplina ng heograpiya, medisina, at kasaysayan sa pagtalakay ng isang nakapakakomplikadong temang pangkasaysayan: ang kalusugan sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa bansa. Kritikal na binusisi at sinuri sa akda ang paghubog ng mga patakaran at programang pangkalusugan ng pamahalaang kolonyal sa siyudad ng Maynila mula 1898 hanggang 1918, kabilang ang impluwensiya ng kapaligiran dito. Mula sa palagiang positibong pagtanaw, lumihis ang may-akda sa paglalantad sa kahinaan at kabiguan ng mga programa at proyektong pangkalusugan sa Maynila ng pamahalaang kolonyal sa pamamagitan ng mga datos na mula sa mga dokumento at iba pang rekord na itinala mismo ng mga kolonyalistang Amerikano. Matapang na pinanindigan sa akda ang paniniwalang kinasangkapan ng mga kolonyalista ang kalusugan, partikular sa siyudad ng Maynila, sa pangangalaga at pagsusulong ng kanilang interes sa pananakop sa bansa. (Source: http://www.kabayancentral.com/)

9789715426121


Public health--Philippines.

RA 541.P6 / .M25 2009