Tradisyon at wikang Filipino /

Almario, Virgilio S., -1944

Tradisyon at wikang Filipino / Virgilio S. Almario. - 131 pages 25 cm.

Tinipon in Virgilio S. Almario ang mga sanaysay at lektura sa libro noong 1997 upang ipakita ang ilang mabigat na suliranin sa pagdevelop at pagpapalaganap ng isang Wikang Pambansa. Mula sa mga tinipong hiwa-hiwalay na sulatin ay ninais niyang ipasipat ang naging kasaysayan ng Wikang Pambansa, mula sa batayang Tagalog, tungo sa Pilipino, at sa Filipino ngayon, isang kasaysayan na "naiiba sa mga wika sa daigdig at naiiba kahit sa hanay ng mga katutubong wika ng Filipinas. Isang kasaysayan itong dulot ng kasaysayang panlipunan at pampolitika ng bansa kaya nagtatanghal din sa uri ng ideolohiyang nagging dominante sa bawat yugto ng kasaysayan nito." Ang kasaysayan ito ang tinatawag din niyang tradisyon at napakahalagang liripin upang higit na mapahalagahan ang Wikang Pambansa at upang higit na luminaw ang mga dapat gawin tungo sa higit nitong pagsulong. Muling inilalathala ng Aklat ng Bayan ang Tradisyon at Wikang Filipino upang maipatitig pa sa mga sumusubaybay ngayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang kinakailangang tiyaga upang maitaguyod ang pagbuo at pagpapahalaga ng isang katutubong Wikang Pambansa at ang rationale para sa isang sistematiko't episyenteng planong pangwika. Sabi nga, hindi naitatag ang Roma sa loob ng isang maikling panahon. Ganoong hirap din at sigasig ang kailangan sa pagbuo ng wikang Filipino; ngunit hindi kailangang magtagal pa ang kaganapan kaysa nagging paghihintay mulang 1936. Hinahamon ngayon ni V.S. Almario ang lubusang pakikiisa ang lahat ng guro, manunulat, at alagad ng wika upang makilahok sa itinuturing niyang pambansa at makabansang tungkuling ito. --Back cover of the book.

9786218064065


Filipino language.
Language and culture

PL 6054 / .Al62 2017