Sariling wika at pilosopiyang Filipino /
Timbreza, Florentino T.
Sariling wika at pilosopiyang Filipino / Florentino T. Timbreza. - Quezon City : C & E Pub., 2008 - xii, 327 p. 22 cm.
Dalawang mahalagang bagay ang nais patunayan sa akdang ito. Una, na ang Pilipino ay may katutubo at angking pilosopiya : at ikalawa, na ang sariling wika-pambansa o rehiyonal man-ay may kakayahang ipahayag ang naturang pilosopiya. Ipinakita ni Dr. Timbreza sa kalipunan ng dalawampu't isang panayam at sanaysay na nakahabi ang katutubong pananaw o pag-iisip ng Pilipino sa mga kayarian o istruktura ng kanyang wikang ginagamit. aniya : Nagkakatali-tali ang wika, pag-iisip, kultura, at ang lipunan, kung kayat ang uri ng pag-iisip at kaugalian ng mga mamamayan ay nalalantad sa ginagamit nilang mga salita, mga kawikaan, at mga kasabihan. Higit sa lahat, ang katutubong pag-iisip ng mga taong-bayan ay siyang humuhulma hindi lamang sa kanilang pilosopiya ng buhay o pandaigdigang pananaw, kundi pati na rin sa kanilang pala-palagay, pagkukuro't pagpapakahulugan tungkol sa mga pangyayari't mga katayuan ng santinakpan." Malawak ang naging saklaw ng mga paksang tumatalakay sa pamimilosopiya ng mga taong-bayan. Kabilang na rito ang mga hugis-pag-iisip ng Pilipino, ang kanyang negatibong pag-uugali, likas ng buhay, gayundin ang mga pangkasalukuyang isyu gaya ng terorismo, parusang kamatayan, kudeta at ekolohiya. Ang lahat ng ito at iba pa ay siyang bumubuo sa panukulang bato na maituturing na pilosopiyang Filipino.
9789715847186
Philosophy--Philippines.
B 5222 / .T481s 2008