Kulay rosas ang pintig ng puso : mga maikling kuwento /

Torres, Gerardo Zaragosa.

Kulay rosas ang pintig ng puso : mga maikling kuwento / Gerardo Z. Torres. - Quezon City : C & E Pub., 2009 - xvii, 72 p. 18 cm.

Inilathala ng C & E Pub. para sa De La Salle University-Manila.--T.p. verso.

Tulad ng maliliit na larawan ang mga kuwento sa koleksyong ito. May ilang kuwentong nagsisiwalat ng sitwasyong kinasasangkutan ng mga tauhan kahit na wala namang inihahandog na kalutasan ang mga ito. May ilan ding nagpapakita lang ng impresyonistikong paglalarawan ng mga tauhan. Subalit may ilan din namang sumusunod sa kombensyonal na paraan ng pagsusulat ng maikling kuwento. Maging anuman ang kinabibilangang anyo ng mga kuwento, matingkad ang liwanag na isinasabog ng mga ito sa karanasan ng pagiging bading sa ating panahon. Malinaw na hindi na masamang panahon ang kasalukuyan upang mamuhay bilang isang bading. Malayo na nga ang aming nilakbay upang iglit ang aming pag-iral sa mapanupil na lipunan. May kalayaan na ang aking mga kabaro na ipahayag ang kanilang malalim na mithiin at pangarap sa isang pamayanang kumikilala sa pagkakaiba-iba ng mga nilalang. Binibigyang-halaga sa mga kuwento ang pagnanais ng mga bading na maging maligaya pagdating sa pag-ibig. Sa huli, tanging ito lang naman ang pinakaaasam ng lahat sa atin, kahit ano pa ang kulay ng pintig ng ating puso. -"Mula Stonewall Hanggang Malate : Ang pagiging Bading Sa Ating Panahon"

9789715848121


Short stories, Philippine (Filipino).

PL 6165.4.T694 / .K958 2009