Amazon cover image
Image from Amazon.com

Tinig at kapangyarihan : mga kuwentong buhay ng kababaihang manggagawa sa bahay / Rosalinda Pineda Ofreneo.

By: Material type: TextTextManila : University of the Philippines Press, [1999];copyright 1999Description: 183 pages : illustrations ; 23 cmContent type:
  • text
Carrier type:
  • volume
ISBN:
  • 9715422276
Subject(s): LOC classification:
  • HD 2336 .P5 .Of6 1999
Summary: Sa Pamamagitan ng paglalahad at pagsusuri ng kanilang makukulay na mga kuwentong buhay, inangkin ng sampung kababaihang manggagawa sa bahay ang kanilang tinig at kapangyarihan na dati-rati ay hindi nadidinig at hindi nadadama ng lipunang kanilang ginagalawan. Nagkalaman at nagkaroon ng kabuluhan ang kanilang mga isinalaysay bilang mga babae at bilang mga manggagawa sa pamamagitan ng lahukang pananaliksik na isinagawa ng may-akda at iba pang kasamang mananaliksik sa pakikipagtulungan sa kanilang organisasyon - ang PATAMABA. Nabigyan ng malawak na konteksto ang mga kuwento sa masusing pagtalakay ng kalagayan ng mga mananahi, magbuburda, at manggagantsilyo sa industriya ng damit sa lalawigan ng Bulacan na nakakonekta sa pandaigdigang pamilihan sa pamamagitan ng kadena ng subcontracting. may malalim ding pagtalakay sa mga batis na teoretikal na pinaghanguan ng di-pangkaraniwang paksa at kakaibang metodolohiyang ginagamit. Nagkaroon din ng tagos sa tunay na buhay nang tinalakay ang mga implikasyon ng mga resulta ng pananaliksik sa praktikal na pagkilos. Si Rosalinda Pineda Ofreneo ay kasalukuyang nagtuturo sa Programa ng Kababaihan at Kaunlaran, Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan, Unibersidad ng Pilipinas (UP), Diliman, siya ay tunay na produkto ng UP, sapagkat dito siya nag-aral mula kindergarten hanggang sa siya ay matapos bilang Doktor ng Pilosopiya (Philippine Studies). Ngunit siya rin ay produkto ng lansangan at kabukiran, kung saan siya ay nag-aral at natuto kapiling ang mga manggagawa, magbubukid, maralitang tagalunsod, at iba pang sangaysa halos 30 taon niyang pakikilahok sa kilusang kababaihan. Ang aklat na ito, na ibinatay sa kanyang disertasyon, ay isa sa marami na niyang akda bilang manunulat, mananaliksik, at manunula. Kabilang sa iba pa niyang mga aklat ang The Manipulated Press - A History of Philippine Journalism Since 1946, at The Philippines - Debt and Poverty. Nitong 1999, nailabas din ang Carrying the Burden of the World-Reflections on the Effects of the Crisis on Women and Girls, isang kolektibong pagpupunyagi na pinangunahan niya bilang co-editor at contributor.
Tags from this library: No tags from this library for this title. Log in to add tags.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Item type Current library Call number Status Date due Barcode
Filipiniana Filipiniana Aklatang Emilio Aguinaldo-Information Resource Center Filipiniana HD 2336.P5 .Of6 1999 (Browse shelf(Opens below)) Available 3AEA0000318428
Isagani R. Cruz Collection Isagani R. Cruz Collection Aklatang Emilio Aguinaldo-Information Resource Center HD 2336.P5 .Of6 1999 (Browse shelf(Opens below)) Not for loan 3IRC0000005238

In Tagalog.

Includes bibliographical references.

Sa Pamamagitan ng paglalahad at pagsusuri ng kanilang makukulay na mga kuwentong buhay, inangkin ng sampung kababaihang manggagawa sa bahay ang kanilang tinig at kapangyarihan na dati-rati ay hindi nadidinig at hindi nadadama ng lipunang kanilang ginagalawan. Nagkalaman at nagkaroon ng kabuluhan ang kanilang mga isinalaysay bilang mga babae at bilang mga manggagawa sa pamamagitan ng lahukang pananaliksik na isinagawa ng may-akda at iba pang kasamang mananaliksik sa pakikipagtulungan sa kanilang organisasyon - ang PATAMABA. Nabigyan ng malawak na konteksto ang mga kuwento sa masusing pagtalakay ng kalagayan ng mga mananahi, magbuburda, at manggagantsilyo sa industriya ng damit sa lalawigan ng Bulacan na nakakonekta sa pandaigdigang pamilihan sa pamamagitan ng kadena ng subcontracting. may malalim ding pagtalakay sa mga batis na teoretikal na pinaghanguan ng di-pangkaraniwang paksa at kakaibang metodolohiyang ginagamit. Nagkaroon din ng tagos sa tunay na buhay nang tinalakay ang mga implikasyon ng mga resulta ng pananaliksik sa praktikal na pagkilos. Si Rosalinda Pineda Ofreneo ay kasalukuyang nagtuturo sa Programa ng Kababaihan at Kaunlaran, Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan, Unibersidad ng Pilipinas (UP), Diliman, siya ay tunay na produkto ng UP, sapagkat dito siya nag-aral mula kindergarten hanggang sa siya ay matapos bilang Doktor ng Pilosopiya (Philippine Studies). Ngunit siya rin ay produkto ng lansangan at kabukiran, kung saan siya ay nag-aral at natuto kapiling ang mga manggagawa, magbubukid, maralitang tagalunsod, at iba pang sangaysa halos 30 taon niyang pakikilahok sa kilusang kababaihan. Ang aklat na ito, na ibinatay sa kanyang disertasyon, ay isa sa marami na niyang akda bilang manunulat, mananaliksik, at manunula. Kabilang sa iba pa niyang mga aklat ang The Manipulated Press - A History of Philippine Journalism Since 1946, at The Philippines - Debt and Poverty. Nitong 1999, nailabas din ang Carrying the Burden of the World-Reflections on the Effects of the Crisis on Women and Girls, isang kolektibong pagpupunyagi na pinangunahan niya bilang co-editor at contributor.

There are no comments on this title.

to post a comment.