Amazon cover image
Image from Amazon.com

Ang pang-araw-araw na buhay sa Maynila sa panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano, 1898-1901 / Ronaldo B. Mactal.

By: Material type: TextTextPublication details: Manila : UST Pub. House, 2010Description: iii, 199 pages : illustrations 23 cmISBN:
  • 9789715065603
LOC classification:
  • DS 679 .M25 2010
Summary: Ipinapakita sa akdang ito ang kakaibang kondisyon ng Maynila at ang nakapaligid na arabal sa ikalawang yugto ng Rebolusyong Pilipino at Digmaang Pilipino-Amerikano mula Pebrero 1898 hanggang sa pagtatatag ng Pamahalaang Sibil noong Hulyo 4, 1901. Nakasentro ang pagtalakay sa paglalarawan sa pangkalahatang kondisyon ng Maynila lalo na ang pagbabago sa kapaligiran, lipunan at kaayusan habang nagaganap ang tatlong malalaking pangyayari sa bansa: ang pagpapatuloy ng Rebolusyong Pilipino laban sa España, ang Digmaang Kastila-Amerikano at Digmaang Pilipino-Amerikano. Sa pamamagitan ng detalyadong paglalarawan sa mga nagaganap na digmaan sa paligid ng Maynila, makikita at madarama ang kakaibang kasaysayanng himagsikang nakatuon sa pang-araw -araw na kondisyon ng syudad at sa buhay ng mga mamamayan nito. Sa halip na nakasentro sa labanan, binibigyang pansin ang kaganapan at pagbabago sa kapaligiran at lipunan, ang kilos at reaksyon ng mga mamamayan sa mga bali-balitang pagsalakay at labanan, at ang pakikiangkop ng buong lungsod upang maipagpatuloy ang nakasanayang pamumuhay sa harap ng mga di karaniwang sitwasyon. Samakatuwid, sa pangkalahatan, masasabing isang kasaysayang panlipunan ng syudad ng Maynila ang akdang ito. Sa mga tao at sa lipunan mismo nakasentro ang pagtalakay. Entablado lamang ang nagaganap na digmaan sa pagganap ng mga mamamayan ng lungsod sa kanilang nakasanayang gawain sa araw-araw.
Tags from this library: No tags from this library for this title. Log in to add tags.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)

Ipinapakita sa akdang ito ang kakaibang kondisyon ng Maynila at ang nakapaligid na arabal sa ikalawang yugto ng Rebolusyong Pilipino at Digmaang Pilipino-Amerikano mula Pebrero 1898 hanggang sa pagtatatag ng Pamahalaang Sibil noong Hulyo 4, 1901. Nakasentro ang pagtalakay sa paglalarawan sa pangkalahatang kondisyon ng Maynila lalo na ang pagbabago sa kapaligiran, lipunan at kaayusan habang nagaganap ang tatlong malalaking pangyayari sa bansa: ang pagpapatuloy ng Rebolusyong Pilipino laban sa España, ang Digmaang Kastila-Amerikano at Digmaang Pilipino-Amerikano. Sa pamamagitan ng detalyadong paglalarawan sa mga nagaganap na digmaan sa paligid ng Maynila, makikita at madarama ang kakaibang kasaysayanng himagsikang nakatuon sa pang-araw -araw na kondisyon ng syudad at sa buhay ng mga mamamayan nito. Sa halip na nakasentro sa labanan, binibigyang pansin ang kaganapan at pagbabago sa kapaligiran at lipunan, ang kilos at reaksyon ng mga mamamayan sa mga bali-balitang pagsalakay at labanan, at ang pakikiangkop ng buong lungsod upang maipagpatuloy ang nakasanayang pamumuhay sa harap ng mga di karaniwang sitwasyon. Samakatuwid, sa pangkalahatan, masasabing isang kasaysayang panlipunan ng syudad ng Maynila ang akdang ito. Sa mga tao at sa lipunan mismo nakasentro ang pagtalakay. Entablado lamang ang nagaganap na digmaan sa pagganap ng mga mamamayan ng lungsod sa kanilang nakasanayang gawain sa araw-araw.

There are no comments on this title.

to post a comment.