Amazon cover image
Image from Amazon.com

Bagay : gabay sa pagsulat sa wikang Filipino / Alvin B. Yapan, patnugot.

By: Material type: TextTextQuezon City : BlueBooks, [2017];©2017Description: xi, 165 pages 26 cmContent type:
  • text
Media type:
  • unmediated
Carrier type:
  • volume
ISBN:
  • 9789715508001
Subject(s): LOC classification:
  • PL 6054 .Y37 2017
Summary: Matagal nang may gabay sa pagsulat sa wikang Filipino ang Pamantasang Ateneo de Manila. Kilala ng mga mag-aaral sa Filipino ang nasabing gabay bilang ang kalakip na "Pilipino sa Pamantasan" na isinulat ni Rolando S. Tinio sa Likha na pinamatnugutan naman ni Benilda S. Santos. Ginagamit ang Likha bilang teksbuk sa pag-aaral ng retorika sa loob ng pamantasan. Sa paggamit ng pamagat na Bagay: Isang Gabay sa Pagsulat sa Wikang Filipino, nililingon nito ang tradisyong pinag-uugatan kay Tinio at sa Kilusang Bagay sa loob ng pamantasan. Isinulong ng nasabing kilusan ang paggamit ng wikang Filipino sa panahong namamalasak ang paggamit ng wikang Ingles bilang tanda ng kapangyarihan at pagiging intelektuwalisado. Sa kabilang banda, malay din naman ang kasalukuyang gabay sa pagsulat na may mga pagbabago na ring naganap sa pagsulong ng intelektuwalisasyon ng wikang Filipino. Pangunahin dito ang paghiwalay ng Filipino bilang wikang pambansa sa Pilipino na nakaugat sa pagkaunlad ng wikang Tagalog; kung kaya, "Pilipino" ang baybay ni Tinio sa wikang pambansa, samantalang "Filipino" na ang ginagamit ng kasalukuyang gabay. Naganap lamang ang ganitong mga pagbabago pagkatapos ng Rebolusyon sa EDSA (1986) sa muling pagsulat ng Konstitusyon. Bilang paggalang sa mga naganap at nagaganap pang diskurso sa pagkaunlad ng Filipino bilang wikang pambansa, sinangguni ng kasalukuyang gabay ang mga gabay sa pagsulat ng pamahalaan, Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), at Surian ng Wikang Filipino. Sa katunayan, lumabas ang unang bersiyon ng kasalukyang gabay sa pagkakalimbag ng Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) nitong 2016. Hinahango rin ng kasalukuyang gabay ang ilan sa mga halimbawa rito mula sa gabay sa pagsulat ng PCDSPO at KWF. Binubuksan kung gayon ng kasalukuyang gabay ang pakikiagapay ng Pamantasang Ateneo de Manila sa mga nangyayari sa labas ng bakod nito sa paglinang ng wikang pambansa. Sa ganitong pamamaraan, iniiwasan ang pagkakakulong ng wikang Filipino sa loob ng praxis lamang ng pamantasan. Nakikiisa ang kasalukuyang gabay sa proyekto ng istandardisasyon ng wikang Filipino sa buong kapuluan. --Ilang Paliwanag sa Pagkakabuo Nitong Gabay sa Pagsulat sa Wikang Filipino.
Tags from this library: No tags from this library for this title. Log in to add tags.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Item type Current library Collection Call number Status Date due Barcode
Filipiniana Filipiniana Aklatang Emilio Aguinaldo-Information Resource Center Filipiniana PL 6054 .Y37 2017 (Browse shelf(Opens below)) Available 3FIL2018015956
Filipiniana Filipiniana Aklatang Emilio Aguinaldo-Information Resource Center Filipiniana PL 6054 .Y37 2017 (Browse shelf(Opens below)) Available 3FIL2018015957
Graduate Studies Graduate Studies DLSU-D GRADUATE STUDIES Graduate Studies Graduate Studies PL 6054 .Y37 2017 (Browse shelf(Opens below)) Available 3FIL2018015955
Browsing DLSU-D GRADUATE STUDIES shelves, Shelving location: Graduate Studies, Collection: Graduate Studies Close shelf browser (Hides shelf browser)
PL 5546 .H784 1997 Pagmamahal and Pagmumura : PL 6054 .K979 2018 KWF manwal sa masinop na pagsulat / PL 6054 .K979 2018 KWF manwal sa masinop na pagsulat / PL 6054 .Y37 2017 Bagay : gabay sa pagsulat sa wikang Filipino / PL 6058.6 .Al76 2017 Sa mga pansamantala : mga tula / PL 6058.9.B345 .B112 2015 Babae, sa balumbalonan ni Hakob at iba pang kuwento / PL 6058.9.M245 .B477 2017 Bienvenida de soltera /

Includes bibliographical references (pages x-xi) and index.

Matagal nang may gabay sa pagsulat sa wikang Filipino ang Pamantasang Ateneo de Manila. Kilala ng mga mag-aaral sa Filipino ang nasabing gabay bilang ang kalakip na "Pilipino sa Pamantasan" na isinulat ni Rolando S. Tinio sa Likha na pinamatnugutan naman ni Benilda S. Santos. Ginagamit ang Likha bilang teksbuk sa pag-aaral ng retorika sa loob ng pamantasan. Sa paggamit ng pamagat na Bagay: Isang Gabay sa Pagsulat sa Wikang Filipino, nililingon nito ang tradisyong pinag-uugatan kay Tinio at sa Kilusang Bagay sa loob ng pamantasan. Isinulong ng nasabing kilusan ang paggamit ng wikang Filipino sa panahong namamalasak ang paggamit ng wikang Ingles bilang tanda ng kapangyarihan at pagiging intelektuwalisado. Sa kabilang banda, malay din naman ang kasalukuyang gabay sa pagsulat na may mga pagbabago na ring naganap sa pagsulong ng intelektuwalisasyon ng wikang Filipino. Pangunahin dito ang paghiwalay ng Filipino bilang wikang pambansa sa Pilipino na nakaugat sa pagkaunlad ng wikang Tagalog; kung kaya, "Pilipino" ang baybay ni Tinio sa wikang pambansa, samantalang "Filipino" na ang ginagamit ng kasalukuyang gabay. Naganap lamang ang ganitong mga pagbabago pagkatapos ng Rebolusyon sa EDSA (1986) sa muling pagsulat ng Konstitusyon. Bilang paggalang sa mga naganap at nagaganap pang diskurso sa pagkaunlad ng Filipino bilang wikang pambansa, sinangguni ng kasalukuyang gabay ang mga gabay sa pagsulat ng pamahalaan, Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), at Surian ng Wikang Filipino. Sa katunayan, lumabas ang unang bersiyon ng kasalukyang gabay sa pagkakalimbag ng Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) nitong 2016. Hinahango rin ng kasalukuyang gabay ang ilan sa mga halimbawa rito mula sa gabay sa pagsulat ng PCDSPO at KWF. Binubuksan kung gayon ng kasalukuyang gabay ang pakikiagapay ng Pamantasang Ateneo de Manila sa mga nangyayari sa labas ng bakod nito sa paglinang ng wikang pambansa. Sa ganitong pamamaraan, iniiwasan ang pagkakakulong ng wikang Filipino sa loob ng praxis lamang ng pamantasan. Nakikiisa ang kasalukuyang gabay sa proyekto ng istandardisasyon ng wikang Filipino sa buong kapuluan. --Ilang Paliwanag sa Pagkakabuo Nitong Gabay sa Pagsulat sa Wikang Filipino.

There are no comments on this title.

to post a comment.