Mga pilat sa pilak : mga personal na sanysay / Eugene Y. Evasco.
Material type: TextPublication details: Manila : University of Santo Tomas Pub. House, 2011Description: xv, 189 p. 20 cmISBN:- 9789715066143
- PL 6165.4.E947 .P641 2011
Item type | Current library | Call number | Status | Date due | Barcode | |
---|---|---|---|---|---|---|
Isagani R. Cruz Collection | Aklatang Emilio Aguinaldo-Information Resource Center | PL 6165.4.E947 .P641 2011 (Browse shelf(Opens below)) | Not for loan | 3IRC0000008379 | ||
Filipiniana | Aklatang Emilio Aguinaldo-Information Resource Center Filipiniana | PL 6165.4.E947 .P641 2011 (Browse shelf(Opens below)) | Available | 3AEA2012000392 |
Simple, kumbersasyonal ang tono, may mga paksang karaniwan ngunit nilapitan sa di pangkaraniwang istilo, ngangayunin subalit panghabampanahon; partikular ang tuon pero unibersal ang mga tema-ito ang koleksiyong Mga Pilat sa Pilak : Mga Personal na Sanaysay ni Eugune Y. Evasco. Sa katipunang ito, hubad at hayag si Eugene-sa pagitan ng mga linya; sa ilalim at ibabaw ng mga paksa. Malayong malapit, malawak na makitid... dito nakatatak ang iba't ibang piraso ng kaniyang kasaysayan. -Dr. Ruth Elynia S. Mabanglo, Palanca Hall of Fame 1995 "Naiaakay tayo ng koleksiyon ng sanaysay ni Eugune Y. Evasco sa iba't ibang yugto ng kaniyang buhay : bilang kabataan, bilang may gulang. Bilang anak, bilang kapatid. Bilang mangingibig. Bilang kolektor ng mga selyo. Bilang masugid na manlalakbay ng mga museo, lansangan, palengke. Bilang manlalambat ng mga salita. Bilang espektador ng boksing, away ng kapitbahay, pag-aagaw buhay, at iba pang lirikal na usbong ng buhay na puno ng kontradiksiyon. Sumasalok ang koleksiyong Mga Pilat sa Pilak : Mga Personal na Sanaysay hindi lamang sa personal na balon ng karanasan, kundi sa pag-alam din ng karanasang nalanguyan, o nilalangoy ng nakararami. Tunay, hindi nagsusulat si Evasco para maging mensahero lamang. Isa siyang personang nakababatak ng diwa, ng luha, ng bungisngis, at ng pagmumuni." -Dr. Luna Sicat-Cleto, premyadong mandudula at nobelista
There are no comments on this title.