TY - BOOK AU - Calairo, Emmanuel Franco. TI - Mga piling bayaning Caviteño SN - 9789710451128 AV - DS 676.8.Ag93 .C125b 2018 PY - 2018///] CY - Kawit, Cavite PB - Cavite Historical Society KW - Heroes N1 - Includes bibliography N2 - Ang worktext na ito ay isinagawa upang higit na makilala ang kabayanihan ng mga Caviteño at maunawaan ang naging bahagi nila sa Himagsikang Pilipino noong 1896. Malaking porsyento ng salaysay namababasa sa worktext na ito ay hango sa publikasyong Liping Kabitenyo: Talambuhay ng mga Kilala at Di-kilalang Kabitenyo na nailathala bilang isa sa mga publikasyong pangsentenaryo noong 1999 sa panulat din ni Dr.Emmanuel F. Calairo. Upang higit na mabasa, maunawaan at mapahalagahan ang pagbubuwis ng buhay ng ating mga bayaning lokal, minabuti ng may-akda na isama ito sa The Cavite Heritage Educational Series. Ito ay isang pagpupugay sa panahon at kadakilaan ng ating Pangulong Emilio Aguinaldo alinsabay sa pagdiriwang ng kanyang ika-150 kaarawan sa darating na 22 Marso 2019. Ang paggunita ng kanyang kapanganakan ay magsisimula sa 22 Marso 2018 at magtatapos sa isang malaking pagdiriwang sa 22 Marso 2019. Inaasahan ng may-akda at ng Cavite Historical Society na sa loob ng panahon ng paggunitang ito ay mapapahalagahan ang kabayanihan ni Pangulong Emilio Aguinaldo gayundin ang iba pang mga bayaning Caviteño na nag-alay ng buhay upang matamo ang kalayaan na nagbigay daan upang makamtam ang Unang Republikang Pilipinas noong 1899. Hindi magkakasya sa worktext na ito ang lahat ng Caviteñong bayani ng himagsikang Pilipino kaya pumili na lamang ng ilan sa kanila ang may-akda bilang kinatawan ng mga bayan. --Panimula ng Libro ER -