TY - BOOK AU - Topacio-Aplaon, RM. TI - Muling nanghaharana ang dapithapon: Imus Novel 5 SN - 9789715428736 AV - PL 6058.9 .T62 2018 PY - 2018/// CY - Diliman, Quezon City PB - The University of the Philippines Press KW - Autobiographical fiction KW - Philippines N2 - Ang pagsisimula ng pagkukuwento ay ang pagbabalik sa mga naiwang gunita. Sa pagitan ng nasusunog na mga manuskrito ay magtatagpo ang dalawang taong may niyayakap na sariling paniniwala tungkol sa pagsusulat: Isang nagdududa kung talaga bang para sa kaniya ang sining na 'to, at isang nagsasabing tinalikuran siya nito. Ang nobelista't ang makata, isang gustong makalimot at isang gustong umahon, sa loob ng isang pambihira at maiksing pagkakataon. Kung titingnan, 'to ay isang mabusising pagmamapa ng buhay ng nobelista bago talikuran ang mga nilikhang obra, isang pangmatagalang pagsisid sa lumipas at mabilisang pagtalakay sa panandaliang ngayon. Silipin ang lahat mula sa mga mata ng walang-pangalang tagapagsalaysay-dating makata at habambuhay na anak, babae, ina-na pansamantalang isasantabi ang sarili para subukang makabalik sa pagsusulat, isang bagay na pinaniniwalaan niyang nagligtas sa kaniya noon. Sa kabuuan, maaari 'tong makita bilang 'sang mapagkumbabang bukas na liham para sa isang nagsisimulang manunulat o sa kung sinumang naniniwalang ipinanganak siya para magsulat at magk'wento, gaano man kaabstrakto't kaabsurdo ang palagay na 'to. Sa huli, ang maiksing nobelang 'to ay tungkol sa pagsusulat, sa literatura, at wala nang iba pa. --Back cover of the book ER -