TY - BOOK AU - Alviola, Uldarico A. AU - Tan, Joanne Marisse P., translator. TI - Felicitas SN - 9786218064515 AV - PL 5649.9 .Al88 2018 PY - 2018/// CY - Manila PB - Komisyon sa Wikang Filipino, Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining KW - Cebuano fiction KW - Filipino fiction N2 - "Ang Felicitas ni Alviola ang nagbigay ng prototipo sa kung ano ang positibo at negatibo para sa babae sa kuwentong Sebwano, kalakip ang ideolohiyang 'matuwid' na pagkaraan ay nangibabaw sa tradisyonal na kuwentong pag-ibig... Ang moralidad ni Felicitas ay maaaring makita bilang elemento na nagbibigay sa kaniya ng kasarinlan. Nilabanan niya hindi lamang ang kaniyang ama o si Don Alejo kundi pati na rin ang lipunan na siyang nagsasabi na bilang isang babae, kailangan niyang sundin ang kaniyang ama o na maging biktima siya ng patriyarkal na estruktura. Ang paggigiit ni Felicitas na nararapat lamang bantayan ang kaniyang moralidad, sa pagpupumilit ng lipunan at ni Don Alejo na hindi nararapat, palatandaan na siya ay malaya. Sa bandang ito, masasabi na nakapagbigay ang Felicitas ng modelo, para sa mga tradisyonal na kuwentong pag-ibig kung saan kinakalaban ng bida ang mga lalaki, kahit na umabot sa puntong kulang ang suporta ng kaniyang asawa, pamilya, at minsan kaibigan. Ang mga ganitong bida lamang ang nakapipili ng makatuwirang desisyon na hindi nakaasa sa estereotipo." --Back cover of the book ER -