TY - BOOK AU - Anastacio, Teresita M. AU - Anastacio, Teresita M. AU - Cruz, Teresita C. TI - Filipino sa bagong henerasyon 2 ikalawang taon SN - 9711340232 AV - PL 6051 .An15f 1988 PY - 1988///];copyright 1988 CY - Manila PB - Bookmark Inc. KW - Filipino language N2 - Ang aklat na ito, "FILIPINO SA BAGONG HENERASYON", ay sinulat sa layuning matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa ikalawang taon ng hayskul. Ito ay binubuo ng dalawang magkahiwalay na bahagi: (1) Panitikan at (2) Balarila. Inaasahang higit na magiging mabisa at sistematiko ang pagtuturo kapag magkahiwalay na itinuro ang panitikan at balarila. Gayunpaman, kung sa pagtuturo ng panitikan ay natural na papasok sa aralin ang pagtuturo na rin ng balarila, iminumungkahing gawin ng guro ang gayon, maaaring sa aralin ding iyon o sa ibang mga aralin sa susunod na mga araw. Gayundin, kung kailangan ang isang kwento, sanaysay, o tula, upang madama ng mag-aaral sa aktuwal na gamit ng wika ang kanyang natutuhan sa balarila, iminumungkahi ring gawin ng guro ang gayon. Ang hindi lamang magandang nangyayari ay ang pagsasama sa isang aralin ng panitikan at balarila kahit hindi dapat o kahit pilit na pilit. Sa ibang salita, may mga pagkakataong na natural na natural ang paglalangkap ng balarila at panitikan sa isang aralin. May mga pagkakataon namang kailangang magkasunod sa mga aralin ang pagtuturo ng balarila at panitikan ngunit sa paraang magkaugnay. Alinman ang gamiting lunsaran ay nasa guro na iyon. At may pagkakataon din na hindi maaaring pagsamahin sa isang aralin ang pagtuturo ng balarila at panitikan. --Paunang Salita ER -