TY - BOOK AU - Anastacio, Teresita M. AU - Cruz, Teresita C., AU - Santiago, Alfonso D., TI - Filipino sa bagong henerasyon 1 unang taon SN - 9711340224 AV - PL 6051 .An15 1988 PY - 1988///];copyright 1988 CY - Manila PB - Bookmark Inc. KW - Filipino language N2 - Sinulat ang aklat na ito -- FILIPINO SA BAGONG HENERASYON -sa layuning matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa unang taon ng hayskul. Ang aklata ay binubuo ng dalawang magkahiwalaya na bahagi: Panitikan at Pag-aaral ng Wika o Balarila. Inisip ng mga awtor ng aklat ang ganitong ayos sapagkat sa kanilang karanasan at sa kanilang naririnig sa kanilang mga kapwa guro ng wika, higit na nagiging mabisa at sistematiko ang pagtuturo kapag magkahiwalaya na itinuturo ang panitikan at balarila, lalo na sa hayskul. Gayunpaman, kung sa pagtuturo ng panitikan ay natural na papasok sa aralin ang pagtuturo na rin ng balarila, iminumungkahing gawin ng guro ang gayon, maaaring sa aralin ding iyon at o sa ibang mga aralin sa susunod na mga araw. Gayundin, kung kailangan ang isang kwento, sanaysay, o tula, upang madama ng mag-aaral sa aktwal na gamit ng wika ang kanyang natutunan sa balarila, iminumungkahi ring gawin ng guro ang gayon. Ang hindi lamang magandang nangyayari ay ang pagsasama sa isang aralin ng panitikan at balarila kahit hindi dapat o kahit pilit na pilit. Sa ibang salita, may mga pagkakataon na natural na natural ang paglalangkap ng balarila at panitikan sa isang aralin. May mga pagkakataon namang kailangang magkasunod sa mga aralin ang pagtuturo ng balarila at panitikan ngunit sa paraang magkaugnay. Alinman ang gamiting lunsaran ay nasa guro na iyon. At may pagkakataon din na hindi maaaring pagsamahin sa isang aralin ang pagtuturo ng balarila at panitikan. --Mula sa paunang salita ER -