TY - BOOK AU - Gonzales, Lydia F. TI - National quizer: Pilipino (NCEE Reviewer) SN - 9710824600 PY - 1985///];copyright 1985 CY - Manila PB - National Book Store KW - College KW - sears N2 - Ang National Quizzer: Pilipino ay sadyang inihanda upang ang inyong mga natatagong kaalamang natipon sa panahon ng inyong pag-aaral ay muling mapukaw. Nasa inyong kaisipan na ang lahat ng inyong napag-aralan kailangan lamang kilitiin ang inyong mga kaisipan upang maging buhay ang daloy ng bukal na kayamanang iyan. Ang National Quizzer: Pilipino ay kaban ng yamang mabubungkal ninyo upang sa pagharap ninyo sa pagsusulit ay agad ninyong masagot ang mga katanungan. Panitikan at Wika ang pinapaksa nito. Malawak ang panitikang tinalakay rito buhat sa pangkalahatang kaalaman tungo sa mga tiyak na aklat. Pinaksa rito ang mga buhat sa mga aklat pampaaralang ginagamit sa Mataas na Paaralan (mula una hanggang ikaapat na taon). Bukod sa mga iyon, mayroon ding nauukol sa "Florante at Laura," "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo" kasama rin dito ang tatlong mahahalagang sanaysay ni Rizal at ilang bagay tungkol sa ating mga bayani. Sa Wika naman, ang wastong pagbabaybay at gamit ang nabigyan ng pagpapahalaga dahil hindi lamang sa pagsusulit sa pangmataas na paaralan magagamit ito kundi gayundin sa pagsusulit sa serbisyo sibil o anumang pagsusulit na may tungkol sa Pilipino. Naririto rin ang tungkol sa wastong pagtatalata na siyang panukat sa kaalaman sa pagbubuo ng mga wastong pangungusap. Bukod dito, natalakay rin ang iba't ibang bahagi ng pananalita, hindi sa pagbibigay katuringan at pagkilala lamang sa mga ito kundi sa wastong paggamit ng mga ito. Inaasahang lubos na makatutulong ang mga naririto tungo sa inyong matagumpay na pagbabalik-aral upang makamit ninyo ang mataas na gradong inaasahan ninyo pagkatapos ng pagsusulit. Paalala lamang tiyakings sa inyong pagbabalik-aral sa mga aralin ninyo, sa pagsagot ninyo sa nmga katanungang naririto -- sagutin muna bago tumingin sa dahon ng mga kasagutan. Magtiwala kayo sa inyong kakayahan sa matagumpay ninyong pagbabalik-aral. --Mula sa panimula ER -