TY - BOOK AU - Bandril, Lolita T. AU - Francia, Loreto Z. TI - El Filibusterismo ni Jose Rizal SN - 9710617737 AV - PQ 8897.R5 .B223 1988 PY - 1988///];copyright 1988 CY - Quezon City PB - Phoenix Press, Inc. KW - Filipino fiction KW - Filipino novel N2 - Sinulat ng ating magiting na bayaning si Dr. Jose Rizal ang nobelang El Filibusterismo bunga ng nag-alab niyang damdamin sa sariling bayan. Ito ang lalong nagpasigla sa diwa at damdaming makabayan ng mga Pilipino na nasimulan ng kanyang nobelang Noli Me Tangere. Dumanas ng hirap ang ating bayani upang maipagpatuloy at tapusin ang nobelang ito. Sinisimulan niya ang El Fili sa London, Inglatera, noong 1890. Lumipat siya sa Bruselas, Belgica, at dito niya sinulat ang malaking bahagi ng Fili. Ayon sa iba, may bahagi sa Fili na sinulat sa Gante, Belgica. Natapos ang aklat noong ika-29 ng Marso, 1891. Nagkaroon siya ng malaking suliranin sa pagpapalimbag nito. Salamat na lamang sa kanyang kaibigang si Valentin Ventura na nagpadala ng pera, at naipalimbag ito noong ika-22 ng Setyembre, 1891. Ang nobela ay inialay ni Rizal sa tatlong paring martir o sa GOMBURZA--Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ay isang nobelang pampulitika na pumapaksa sa pamamahala ng mga kastila. --Mula sa panimula ER -