TY - BOOK AU - Matute, Geneova Edroza TI - Deogracias A. Rosario, ama ng maikling kathang Tagalog AV - PL 6164.3 .M437 1971 PY - 1971/// CY - [S.l.] PB - [s.n.] KW - Rosario, Deogracias A KW - sears KW - Tagalog author N1 - Reprinted from Philippine Studies vol. 19 no. 2 1971 --COVER; Reprinted from Philippine Studies vol. 19 no. 2 1971 N2 - Ang sining ay higit na higit kasa mga pagbibigay-kahulugan dito, kaysa mga manunuri at kritiko. Ang pinakamahusay mang kritiko ay hindi lubusang nakatatarok ni nakadarakip sa kabuuan ng mga katuturan at kahalagahan ng likhang-sining na kanyang sinusuri. Kahit ang pinakamaingat na manunuri ay nahihirapang makaigpaw, huwag nang sabihing makatakas, sa panahong lumikha sa kanya. Sa liwanag ng ganitong katotohanan, ang munting pag-aaral na ito tungkol sa isang manlilikha, kay Deogracias A. Rosario, at sa kanyang mga akdang tuluyan -- maiikling katha o kuwento, ilang nobela at sanaysay -- ay hindi magtatangkang lubusang makatarok at makadakip sa kabuuan ng kanyang sining, manapa'y magtatangka lamang tumuklas sa mga katangian ng kanyang mga katha, sa panahon at mga impluwensyang humubog sa kanya, sa kanyang mga kaisipan at damdamin, at sa mga impluwensiya naman niya sa sumusunod na panahon, panahong marahil ay naging kasangkapan siya sa paglikha -- sa kabuuan ng lahat nang ito -- na marahil ay ilang dahilan upang siya'y tagurian at hanggang ngayo'y tinatagurian pang "Ama nng Maikling Kathang Tagalog." ER -