TY - BOOK AU - Naval, Jimmuel C. TI - Pangangaluluwa at iba pang kuwento SN - 9715424783 AV - PL 6165.4.N37 .P193 2005 PY - 2005/// CY - Quezon City PB - University of the Philippines Press KW - Short stories, Philippine (Filipino) KW - sears N2 - Sa mga kuwentista at mag-aaral nng malikhaing pagsulat, may mga tiyak nang elementong nakasanayang ilahok sa pagkatha o sa pagkilatis ng isang mahusay na kuwento. Pisikal, nasasalat, at nababasa ang mga palatandaang ito. Halimbawa, ang banghay, o plot, ang kaisahan, ang estruktura, ang espasyo, ay sandali. Kailangang malinaw ang banghay ng kuwento, maliwanag kung ano ang conflict, paano ito sumasalimuot hanggang sa bagtasin ang tinatawag na rising action upang makarating sa kasukdulan o climax at mauwi sa falling action.Paano naman ang estratehiya ng denouncement? Kapag nagsisismula sa kalagitnaan ng action ang kuwento, in medias res ang tawag sa technique. At kapag may pasakalye para humantong sa inaasahang dulo, may foreshadowing. Sa tagisan ng bida at kontrabida maari ring mabasa kung sino ang bida at kontrabida, ano pa man ang kanilang katatayuan sa kuwento. Ang bida ba ay siya ring kontrabida o kalaban ang sarili? Ang bida ba ay kumakaharap sa mabangis na kalikasan o sa mapang-api at mapanghusgang lipunan? Mattaagpuan sa aklat na ito ang lahat. Kinapapalooban ng 16 na maikling kuwento, ang unang koleksiyong ito ni Jimmuel C. Naval ay kakikitaan ng mga salitang dumudukal sa ibat't ibang anyo at hugis ng pagpapahayag ng sarili at ng kaligirang nilakiha't nakapiling sa dili-dili. Taglay ang anino ng tradisyonal na habi ng mga naunang kuwentista, nagbubukas ang koleksiyong ito ng makabagong siste, panig, rubrob, latoy, at ming-aw sa pamamaksa at pananauhan tungo sa kontemporaneong pagkukuwento ER -