TY - BOOK AU - Dizon, Lorenzo. AU - Nuncio, Rhod V. AU - Teodoro, Johanna Uy. TI - 100 bago sa DLSU: mula sa pananaw ng mga Lasalyano SN - 9789710115044 AV - LS LG 221.M35 .Is12 2012 PY - 2012///];copyright 2012 CY - Quezon City PB - Central Book Supply KW - De La Salle University KW - sears KW - De La Salle University N2 - Ano nga ba ang bago? Maaaring bagong estudyante bilang mga Frosh na bagong salta mula sa iba't ibang panig ng Pilipinas. Kasama rin dito ang mga bagay, gusali, trip na kainan o pasyalan sa loob a labas ng campus. Bago rin ang mag dude, dabarkads, batchmates, classmates, schoolmates na makikilala. Idagdag ang bagong musika, hilig, get-up, fashion, pananaw. ideya at samutsari pang iba. Puwedeng bago na timeless na kahit lolo o lolang alumni na, sariwa pa rin sa alaala nila. Puwedeng bago na nagbabago-bago sa takbo ng panahon tulad ng teknolohiya. Maraming-marami talaga! -(Dr. Rhod V. Nuncio, Tagapamahalang Editor) Ang librong ito'y para sa mga Lasalyano noon, ngayon at bukas at sa mga magulang na nais malaman ang nangyayari sa kanilang mga ank sa loob ng eskwelahan. Para rin ito sa mga nagnanais pumasok sa De La Salle University upang malaman nila ang kultura at karunungang matatamo bilang mga estudyanteng Lasalyano.Para rin ang librong ito sa mga gurong nais makasunod sa uso ng mga estudyante at para maunawaan ang aming henerasyon. At ang pinakahuli, para sa kabataang Pinoy din na nangangarap makatapos ng pag-aaral at makamit ang tunay na edukasyon na babago sa kanilang buhay at pananaw. Alay namin ito sa mga pagpupunyagi't tagumpay! -(Natasha Ducusin, Lorenzo Dizon, Jeremy Teodor at Johanna Uy, mga Estudyanteng Editor) ER -