TY - BOOK AU - Calairo, Emmanuel Franco. TI - Edukasyong pampubliko: ang karanasan ng Kabite 1898-1913 SN - 9719259027 AV - LA 1299.C38 .C125 2005 PY - 2005/// CY - Cavite PB - Cavite Historical Society KW - Education KW - Philippines KW - Cavite N2 - Ang aklat ni Dr. Emmanuel Franco Calairo ay isang napakahalagang kontribusyon sa muling pagsuri sa sistema ng edukasyon na dala ng mga Amerikano. Ito ay mala-kritikal at galing sa perspektibo ng isang Pilipino na tumitingin sa edukasyon bilang instrument ng pagbabago. Ang obra na ito ay nakapokus sa isang lalawigan, kaya higit na detalyado at kongkreto ang pagsuri niya sa karanasan ng mga eskwelahan, mga guro, mga estudyante, at ng lipunan ng Kabite, lalo na ang pagbabago nito. Sinusuri ni Dr. Calairo ang sistema ng edukasyon noong panahon ng Kastila para makita ang kaibhan nito sa bagong sistema ng Amerikano. Gumamit siya ng mga primaryang batis at mga panayam. Tinalakay niya ang layunin at hakbang na ginawa ng mga Amerikano. Tinalakay din ni Dr. Calairo ang pagtanggap ng mga Kabitenyo sa bagong sistema, at sinusuri niya kung natamo ang layunin ng mga Amerikano. Sinuri din ang mga pensionado na galing Kabite at ang mga suliranin ng mga eskwelahan. ER -