TY - BOOK AU - Naval, Jimmuel Costelo, TI - Ang tatay kong cochero at iba pang kuwento SN - 9789715428903 AV - PL 6058.9 .N227 2019 PY - 2019///];©2019 CY - Diliman, Quezon City PB - University of the Philippines Press N2 - Lahi yata kmi ng cochero. Ang nuno ko na tatay ng lolo ko ang orihinanl bagama't hindi kotse ang pinapatakbo niya kundi isang kalesa. Ang sasakyang ito na hatak-hatak ng isang kabayo ay isa sa unang nagserbisyo sa bayan namin sa Silang. Ipinasa niya ito sa lolo ko na nang lumao'y naging tagapagmaneho ng trak na naghahatid ng tinabas na tubo mula Canlubang, Laguna hanggang sa azucarera ni Don Pedro sa Nasugbu. Ang tatay ko naman ay nagsimulang magmaneho ng mga unang jeep ng Sarao na limahan lang sa isang hilera at de-gasolina. Samantala, dalawa sa tiyuhin ko na kapatid ng aking ina ay umekstrang ayudante ng perokaril patungong Bikol. Nang ideklara ang batas militar at nagsimulang tumaas ang presyo ng gasolina, iniwan ni Itay ang pagmamaneho ng jeep at bumili ng sariling motorsiklo at nagpagawa ng sidecar upang mamasahero mula sa plaza patungong palengke. Siyempre pangalan ko ang nakalagay sa harapan ng traysikel at apelyido namin ang nasa saya nito sa likod ER -