Saulado : mga tula / Rebecca T. Añonuevo.
Material type: TextDiliman, Quezon City : The University of the Philippines Press, [2005];copyright 2005Content type:- text
- volume
- 9715424724
- PL 6165.4.A573 .Sa86 2005
Item type | Current library | Call number | Status | Date due | Barcode | |
---|---|---|---|---|---|---|
Filipiniana | Aklatang Emilio Aguinaldo-Information Resource Center Filipiniana | PL 6165.4.A573 .Sa86 2005 (Browse shelf(Opens below)) | Available | 3AEA0000317269 | ||
Isagani R. Cruz Collection | Aklatang Emilio Aguinaldo-Information Resource Center | PL 6165.4.A573 .Sa86 2005 (Browse shelf(Opens below)) | Not for loan | 3IRC0000006877 |
sa malaon ay isang buong pasasalamat, na sa isang banda'y katulad ng mga naunang aklat, ngunit di lubos na katulad. Ito ang pagsaludo sa kapangyarihan ng memorya at sa kawalang-kapangyarihan nito sa gitna ng umiral na mga kabalintunaan sa mundo. Ang pagpuwesto ng alaala sa bingit ay may panganib at lula, pero ano't sa ganoong parikala nalalalang ang tula at ang ating pag-iral.
Pero nakalayo na ako, hindi para malimot ang gunita, kundi hayaan iyon, tulat ng isang sagradong pook, isang larawan, isang abuelang pumanaw at ipinagdiriwang pa rin ang kaarawan; tulad ng isang tula, isang buong pag-ibig ang umibis na gunita, di makukuyom, araw sa palad kahit nababasa. - Mula sa "Alay sa Alaala" Kailan nagiging walang habag ang alaala, kailan ito makatarungan? Kailan ito lumalatay, kailan magaan at humahagod ang taglay na kabutihan? At tayo bilang nakikinig sa kanilang salaysay, paano tayo tumatanggap-ano ang ating "natatandaan"? Ito ang mga tanong na susubuking taluntunin ng Saulado, ang pang-apat at bagong koleksiyon ng mga tula ni Rebecca T. Añonuevo. Ito ang paraan ng pagtatagni-tagni sa maliliit at malalaking larawan ng mga alaalang nasa bingit at nagkamarka sa isip, malubha at pawang kapayapaan, ang halos-kamatayan-at-muling-pagbangon, walang sawang pangingibig at pagtitiwala sa panahon, sa mga tauhang nakadaup-palad at di tuluyang pinakawalan kahit nakaraan
There are no comments on this title.