000 03317nam a2200241Ia 4500
001 217335
003 0000000000
005 20211104050337.0
008 110527s2011 ph a b 000 0 fil d
020 _a9789719365181
050 _aDS 666.M7
_b.Ab86 2011
100 _aAbreu, Lualhati Milan.
_945185
245 0 _aBangsamoro sa malapitan :
_bpagpupunyagi sa sariling-pagpapasya /
_csinulat ni Lualhati Milan Abreu ; inedit ni Bonifacio P. Ilagan.
260 _aQuezon City :
_bCenter for People Empowerment in Governance,
_c2011
300 _axvii, 331 p. :
_bmaps
_c23 cm.
520 _aWalang duda, lubhang tulong ang aklat na ito upang magpuno sa kakulangan, o kaya'y magtumpak sa mga nagbabanggaang naratibo, at maglagay sa mga ito sa tumpak na perspektibo. Higit pa, ang halaga ng aklat na ito ay ang pagsasanib ng personal na kalinga at ugnayan ng awtor sa mga taong pinag-uukulan niya ng kanyang pagsusulat. Dahil sa walang pagkukunwaring pamamaraan, nagiging makabuluhan ang aklat sa mga tao sa ibaba. - Mohagler Igbal, Tagapangulo, MILF Peace Panel Mahusay na ginamit ni Lualhati Abreu ang mga pinagsamang sulatin, panayam at dagdag na bukal ng impormasyon upang ipakita ang kongkretong istorikal at kasalukuyang sitwasyon ng Bangsamoro. ...Naniniwala ako na ang librong ito ay magsisilbing mahalagang instrumento para sa mga mamamayang Pilipinong naglulunsad ng pakikibaka para sa pambansa at panlipunang kalayaan, upang mapalalim ang kanilang kaalaman sa kasaysayan, buhay at pakikibaka ng Bangsamoro at upang higit pang mapaunlad ang pang-unawa at kooperasyon ng isa't isa.--Luis G. Jalandoni, Tagapangulo, NDFP Negotiating Panel. Sa pagpapalalim sa mga isyong tunay na mapanglaban at mainit, inilulugar ni Abreu ang sentral na argumento sa pagtatanggol sa mga lupaing ninuno ng Bangsamoro sa masalimuot ng mga konteksto ng kasaysayang lokal, rehiyunal, at kolonyal diplomatikong kaliwatan (genealogy)... Walang pasubaling bubuhayin ng aklat na ito ang pampublikong interes sa dayalogo sa pagitan ng mga bansa ngayong ika-21 dantaon, ang sa ganang akin ay lubhang kinakailangan para sa Pilipinas at maging sa kabuuang Asya : Ang negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at MILF at ang malalim na ibubunga nitong geopolitikal.-Epifanio San Juan, Jr. Tulad ng isang batikang historyador, sinikap ni Lu Abreu na ipaliwanang ang mga usaoin ng Mindanao sa pagbibigay-halaga sa kapaligiran at panahon, ang tinatawag sa Ingles na context. Ngunit sa pamamagitan ng kanyang mga personal na karanasan, kwento, at pakikipag-usap sa mga lugar na kanyang pinaksa, nabigyan niya ng "mukha" ang Mindanao at ang kanilang mga kilusan. Ito ang isang bagay na mahalaga sa istoryograpiya, na ang salin sa Ingles ay nuance. Sensitibo si Lu Abreu sa pagkakaiba-iba ng mga komunidad at sitwasyon dahil laging nasa diwa niya kapwa ang context at nuance (ang "malaking larawan" at ang "partikularidad" ng maliliit na elementong makikita dito)ng mga lugar, tao, at pangyayari.- Propesor Jaime B. Veneracion, Historyador.
650 _aEthnology
_zPhilippines.
_964440
650 _aMuslims
_zPhilippines
_961321
650 _aMuslims
_zPhilippines.
_961321
700 _aIlagan, Bonifacio,
_945709
942 _cFIL
999 _c80337
_d80337